Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na limang lugar sa bansa ang posibleng umabot sa “dangerous levels” ng heat index ngayong Miyerkules, Abril 3.
Sa pagtaya ng PAGASA nitong Martes, Abril 2, ang mga sumusunod na lugar ay maaaring umabot sa 42 degree Celsius heat index:
•Aparri, Cagayan
•CBSUA-Pili, Camarines Sur
•Dumangas, Iloilo
•Catarman, Northern Samar
•Guiuian, Eastern Samar
Ang heat index sa isang lugar ay maaaring umabot sa mga mapanganib na antas kapag umabot ito sa 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius.
Sa ilalim ng kondisyon ng panahon na ito, posible ang mga heat cramp, heart exhaustion, at heat stroke.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na iwasan ang mga outdoor activity, uminom ng maraming tubig at magsuot ng protective gear upang maiwasan ang heat-related illnesses.