Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang heat index sa Mayo ay maaaring umabot sa “extreme danger,” o mula sa 52 degrees Celsius at pataas.
Sinabi ni Marcelino Villafuerte II, chief ng Impact Assessment and Applications Section ng PAGASA Climatology and Agrometeorology division, na ang “danger” at “extreme danger” na antas ng heat index ay inaasahan sa Abril at Mayo sa pagsisimula ng dry season.
Naitala ang pinakamataas na heat index mula nang magsimula nitong buwan ay sa La Union noong Marso 19, na pumalo sa 47 degrees Celsius.
Sinabi ni Villafuerte na ang “danger” heat index ay nasa pagitan ng 42 at 51 degrees Celsius habang ang “extreme danger” ay mula 52 degrees Celsius at pataas.