Dinampot ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Chinese nationals, na diumano’y nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng government-issued identification cards at iba pang dokumento, sa operasyon sa Barangay San Pedro sa Palawan City.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga naaresto na sina Wang Tao, Li Xiaoming, Guo Zhi Yang, and Lyu Zhiyang.
Ayon kay Tansingco, si Lyu, alias “Ken Garcia Lee,” ang umaaktong lider ng grupo na nakapambiktima na ng mga residente sa lugar sa kanilang human trafficking activities.
“The arresting team of the operation have been working on the case for several months and have kept close coordination with intelligence forces and law enforcement agents to ensure the smooth arrest of the subjects,” sabi ni BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan.
Nasamsam sa apat na Tsino ang ilang mga Philippine-issued IDs tulad ng Land Transportation Office (LTO) driver’s license, postal IDs at birth certificates na kanilang ginagamit sa pakikipagtransaksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno habang nagpapanggap na mga Pinoy.