Pinaigting na ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ang pagmamanman laban sa mga nasa likod ng fake online travel booking scam na naglipana ngayon dahil sa mahabang holiday break.
“Ang scammer ay nag-e-engganyo ng mga bakasyunista na mag-book at magbayad ng accommodation online na hindi nag-e-exist,” babala ni PNP-ACG spokesperson Lt. Wallen Mae DS Arancillo.
Pinagiingat ni Lt. Wallen Mae DS Arancillo, tagapagsalita ng PNP-ACG, ang publiko laban sa mga naglipanang fake travel booking sites sa internet na nagaalok ng sobrang mababang presyo ng hotel o resort accommodation gamit ang pangalan ng mga sikat na brand o establisimiyento.
Aniya, dapat i-verify muna ng mga bakasyunista kung lehitimo ang travel website at kung mapagkakatiwalaan ang gamit nitong platform.
Agad na ipaalam sa PNP-ACG ng publiko kung may napansin na kaduda-dudang travel websites para agad na maaksiyunan ito bago sila mabiktima.