Magsasagawa ng inspection ang TIEZA sa mga heritage sites at lumang simbahan sa Cebu na napinsala ng magnitude 6.9 na lindol, alinsunod sa utos ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco.
Inatasan ni Frasco ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) noong Oktubre 2, na magsagawa ng inspeksyon sa ilang heritage sites at lumang simbahan sa Cebu na napinsala ng magnitude 6.9 na lindol noong Martes, Setyembre 30.
Kabilang sa mga naapektuhan ay ang Fort San Pedro, Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima sa Daanbantayan; Sts. Peter and Paul Parish sa Bantayan; San Isidro Labrador Church sa Tabogon; Capelinha de Fatima Replica at San Juan Nepomuceno Parish sa San Remigio; at ang Archdiocesan Shrine and Parish of St. Vincent Ferrer sa Bogo City, Cebu.
Ayon sa ulat, nasa 711 tourism workers sa rehiyon ang naapektuhan ng nasabing lindol.
Samantala, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na umabot na sa 2,461 aftershocks ang naitala hanggang alas-6 ng umaga ngayong araw.
Ulat ni Britny Cezar
