Sinimulan na ng Davao City Prosecutor’s Office ang legal na proseso laban sa FBI most wanted at self-proclaimed “Appointed Son of God” Apollo Quiboloy at mga kasama nito, na nahaharap sa mga sexual at child abuse, human trafficking, at iba pa, sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Martes, Marso 19 ng gabi.
Ayon sa DOJ, nahaharap si Pastor Quiboloy sa mga criminal complaints told ng sexual abuse at iba pang gawain ng child abuse, kasama sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemanes.
Inendorso din ng Davao City Prosecutor’s Office ang reklamo para sa qualified trafficking in persons laban kay Quiboloy sa pangunahing tanggapan ng DOJ sa Maynila.
“The Department of Justice is dedicated to the enforcement of our laws and the protection of our children from exploitation and abuse,” sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
“This case underscores our commitment to hold accountable those who would harm our society’s most vulnerable. Let this serve as a reminder that no individual, regardless of their position,” dagdag pa ni Remulla.