Sa isinagawang press conference sa Malacañang ngayong Martes, Marso 26, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen na puspusan na ang kanilang pamamahagi ng mga solar-powered irrigation system upang maibsan ang matinding epekto ng El Nino sa mga sakahan.
“Every month po marami kaming itinu-turn over na solar-powered irrigation facilities nitong 2024,” sabi ni Guillen.
Aniya, sa ngayon, nasa isang porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng mga NIA-irrigated areas ang malubhang naapektuhan ng matinding tagtuyot, dahilan upang mag-shift ang mga magsasaka sa ibang high-value crops kapalit ng itinatanim na palay.
Sa kabila ng nararanasang El Niño, sinabi rin ni Guillen na tumaas ang rice production sa bansa ng 1.1 porsiyento habang ang corn production ay tumaas din ng 5.6 porsiyento sa first quarter ng 2024 kumpara sa kahalintulad na panahon sa nakaraang taon.