Lalago ang gross domestic product ng Pilipinas ng 6.1 porsiyento sa unang tatlong buwan ng 2024 dahil sa pagtaas ng infrastructure spending ng gobyerno na inaasahang magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon.
“The economy looks set to accelerate in 2024 with Q1 GDP estimated at 6.1% as infrastructure spending goes into high gear with National Government (NG),” ayon sa FMIC-UA&P report.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, ang pagtaya ay base sa pinakahuling “Market Call” ng Metrobank-affiliate First Metro Investment Corp. (FMIC) at research partner nito University of Asia and the Pacific (UA&P).
Kung ito ay maisasakatuparan, ang first quarter growth ngayong tayon ay magiging mas mataas kumpara sa 5.6 porsiyento na naitala noong fourth quarter ng 2023, subalit mas mababa sa 6.4 porsiyento noong first quarter ng nakaraang taon.
“We expect NG to have a strong start in 2024 after the understandable tentativeness of the different departments at the start of 2023 when the then new administration had just been in an organizational mode. Infrastructure spending, both government funded [i.e., huge P1.0-T DPWH budget alone] and PPP projects, should accelerate in 2024 as NG bids out and awards large undertakings starting with the recent $3.0-B Ninoy Aquino International Airport (NAIA) expansion,” ayon sa mga ekonomista.