Hindi maiwasan ni Senior Deputy Speaker Pampanga 3rd District Rep Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na ikumpara sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel “Migs” Zubiri pagdating sa pagtupad sa pangakong ipapasa kaagad ang economic charter change (cha-cha).
“Our good Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez delivered on his promise to approve the proposals before Holy Week. That’s leadership,” pagkukumpara ni Senior Deputy Speaker Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa House leader kay Senate President Migz Zubiri.
Si Romualdez ang pinuno ng 300-plus strong House of Representatives, habang si Zubiri ang pinuno ng 24 na senador.
Noong Miyerkules, Marso 20, bago mag-Lenten break ang Congress, inaprubahan ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, ang bersyon ng mga kongresista ng economic cha-cha, sa ikatlo at huling pagbasa.
Sa Senado, hindi pa nakukumpleto ng subcommittee ang mga pagdinig ng Senado sa RBH 6 nito.
Base sa latest survey ng Tangere, umakyat sa 52 porsiyento ang mga Pilipinong naniniwala na napapanahon nang amyendahan ang Saligang Batas, tumaas mula sa 41 porsiyento na naitala ng Pulse Asia noong Marso 2023.