Dalawang buwan nang bumababa ang lebel ng tubig sa pitong major dam sa gitna ng tumitinding epekto ng El Niño phenomenon sa Luzon area.
Batay sa 6 a.m. update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Miyerkules, Marso 13, bahagyang bumaba ang lebel ng tubig sa mga sumusunod na dam:
•Angat Dam (from 202.78 meters on Tuesday to 202.47 meters on Wednesday)
•La Mesa (from 75.96m to 75.92m)
•Ambuklao (from 747.49m to 747.36m)
•San Roque (from 238.53m to 238.26m)
•Pantabangan (from 182.09m to 181.80m)
•Magat (from 172.00m to 171.99m)
•Caliraya (from 286.82m to 286.67m)
Samantala, tumaas naman ang tubig sa Ipo Dam, mula 99.51m hanggang 99.55m, gayundin sa Binga Dam, mula 569.72m hanggang 569.82m.
Ang mga kasalukuyang antas ng mga dam na ito ay mas mababa na sa kani-kanilang Normal High Water Levels (NHWL) sa gitna ng mainit na panahon at mas mataas na pagkonsumo ng tubig.