Umangat sa 52 porsiyento ang bilang ng mga Pilipinong pabor sa charter change (cha-cha), ayon sa latest survey ng Tangere ngayong buwan, umakyat ng 11 porsiyento mula sa 41 porsiyento na naitala sa survey ng Pulse Asia noong Marso 2023.
Ayon sa resulta ng survey na isinapubliko ng data research firm na Tangere nitong Biyernes, Marso 22, 14 porsiyento ng mga Pilipino ang “strongly agree” na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution o charter change (cha-cha) habang 38 porsiyento naman ang “somewhat agree.”
Samantala, 13 porsiyento ang “somewhat disagree” at 10 porsiyento ang “strongly disagree” sa inisyatibo ng cha-cha, at 25 porsiyento ang hindi sigurado.
Tumaas ng 11 porsiyento ang bilang ng mga pabor sa cha-cha, na naitala sa 41 porsiyento sa survey ng Pulse Asia noong Marso 2023.
Mahihinuhang taun-taon ay dumadami ang mga Pilipinong payag baguhin ang Saligang Batas mula sa 31 porsiyento na naitala sa parehong survey ng Pulse Asia noong 2022.