Sa kamakailang “Boses ng Bayan” national survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), nakuha nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang highest trust at approval mula sa publiko.
CAP:

Batay sa independent at non-commissioned survey ng RPMD mula Marso 18 hanggang 23, nakakuha si Marcos ng 79 porsiyentong trust rating at 76 porsiyentong approval rating.

Samantala, si Speaker Romualdez ay nakakuha ng 75 porsiyentong trust rating at 72 porsiyentong approval rating mula sa publiko.

Layunin ng RPMD sa survey ay magbigay ng ‘insightful analysis’ sa trust at approval ratings sa pinakamataas na lider sa gobyerno.

Nakalikom ang survey na “Boses ng Bayan” ng opinyon mula sa 10,000 respondent na kinuha mula sa 67.75 milyong rehistradong botante. Ang bilang ng respondent mula sa bawat lugar ay batay sa opisyal na voters’ statistics ng bansa.