Inakusahan ng Federation of Free Farmers ang National Food Authority ng diumano’y pagbebenta ng 9.6 milyong sako ng bigas noong 2021-2022 na nagkakahalaga ng P12 bilyon sa presyong P1,250 sa kada 50-kilo sack sa mga pribadong traders.
Sa isang kalatas, sinabi ng FFF na ibenenta ng National Food Authority (NFA) noong 2021 ang 5.6 milyong sako ng bigas sa mga traders na, ayon sa mga opisyal nito, ay mga lumang stock na kailangan nang idispatsa bago tuluyang mabulok.
Noong 2022, sinabi ng grupo na ibinenta ng NFA ang mahigit apat na milyong sako ng bigas, na halos 70 porsiyento mula sa kabuuang nabenta ng ahensiya sa taong iyon, ayon kay FFF National Manager Raul Montemayor.
“The rapid disposition of its rice supplies in 2021 and 2022 resulted in the severe depletion of NFA’s inventory, with the agency having only 3.5 days of national consumption requirement at the end of 2022,” ayon pa sa FFF.