Inihayag ng Department of Energy (DOE) ang posibleng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa Semana Santa batay sa apat na araw ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore.
Sinabi ni Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, ang tinatayang pagtaas sa presyo ay ang mga sumusunod: gasolina mula P1.90 hanggang P2.10 bawat litro; diesel mula P1.35 hanggang P1.50 bawat litro; at kerosene mula P1.40 hanggang P1.50 bawat litro.
“Nakakalungkot na sa darating na Martes, magkakaroon po ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo…Sa mga nakaraang linggo ito na ‘yung pinakamataas,” ayon kay Romero.
Sinabi ni Romero na ang mga spekulasyon sa epekto ng pag-atake ng Ukraine sa tatlong malalaking oil refineries sa Russia ay isa sa mga salik na nagpapataas ng presyo ng gasolina.
“Baka lumala ‘yung sitwasyon at maapektuhan ‘yung supply sa region,” dagdag pa ni Romero.