Nanindigan ang Department of Trade and Industry (DTI) na kasya na ang P500 pambili ng simpleng panghanda sa noche buena.

“Kung sa tutuusin po P500 makakabili na kayo ng ham. Makagawa ka na rin ng macaroni salad, makakagawa ka na rin ng spaghetti. Depende rin po yan kung ilan yung taong kakain,” saad ni DTI Secretary Cris Roque.

Iginiit ng ahensya na maraming brand ng noche buena products ang hindi nagtaas ng kanilang mga presyo.

Ayon pa kay DTI Secretary Cris Roque, sa halagang P500 ay makakabili na umano ng ham at makagagawa na rin ng macaroni salad maging spaghetti.

“Depende rin po yan kung ilan yung taong kakain,” dagdag nito.

Ulat ni Bea Tanierla