Ipatutupad na sa Miyerkules, Agosto 2, ang bagong fare adjustment para sa Line Rail Transit (LRT)-Line 2, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Base sa inaprubahang fare matrix ng Light Rail Transit Authority (LTRA), papalo ang minimum boarding fee sa P13.29 mula sa dating P11; at 1.21 na dagdag sa bawat kilometrong biyahe mula sa dating P1.00.
Ang minimum fare sa “Beep Card” o stored value card ay tataas sa P14 mula sa dating P12, at magiging P33 ang maximum fare (Recto Station-Antipolo Station) mula sa dating P28.
(Photo courtesy by Light Rail Transit Authority)
Sinabi pa ng DOTr na mananatili sa P35 ang minimum fare gamit ang Single Ticket Journey (SJT) pero tataas naman sa P35 ang maximum fare (Recto Station-Antipolo Station) mula sa kasalukuyang P30 gamit ang STJ.
Tuloy pa rin ang pagbibigay ng LRTA ng 20 porsiyentong discount sa mga senior citizens, persons with disability (PWD), at estudyante.
Payo naman ng LRTA sa mga pasahero, gumamit ng Beep Card upang makaiwas sa pila sa ticket booth at makatipid sa pasahe.
(Larawan ng LRT-1 passengers sa itaas, kuha ni Mores Heramis)