(Photo courtesy by QCPD)

Isang 24-anyos na babae ang natagpuang patay na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sa isang motel sa Cubao, Quezon City, noong Linggo, Hulyo 30.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre ng room attendant ng motel ang bangkay ng biktimang nakadapa at walang saplot.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), hindi bababa sa 13 saksak ang tinamo ng biktima. Inaalam na rin ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking kasama ng biktimang nang sila ay mag-check in sa motel.

Natagpuan ng mga imbestigador ang ilang personal na gamit ng biktima, ayon sa ulat.

—Ellen Mirasol