Pansamantalang ititigil ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) mula Marso 28 hanggang 31 upang bigyang-daan ang annual Holy Week maintenance routine.

Sa advisory na ipinost sa kanilang social media accounts, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na suspendido operasyon ng MRT-3 simula Huwebes Santo hanggang Easter Sunday.

Ang huling araw ng operasyon ng MRT 3 para sa Semana Santa ay sa Marso 27, Miyerkules Santo. Ang operating hours ay masusunod sa mga huling biyahe ng tren sa alas-9:30 ng gabi mula North Avenue Station, at alas-10:00 ng gabi. mula sa Taft Avenue Station.

Magpapatuloy ang mga normal na operasyon sa Lunes, Abril 1, kung saan ang mga unang biyahe ng tren ay naka-iskedyul sa alas-4:30 ng umaga mula North Avenue Station, at ala-5:05 ng umaga mula sa Taft Avenue Station.