Nakatandang bumisita sa Pilipinas sa susunod na linggo si Czech Agriculture Minister Marek Výborný upang mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pagsusulong ng food security initiatives ng administrasyong Marcos.
“Very soon our Minister of Agriculture shall visit the Philippines with a numerous delegation of our businessmen with specific, particular plans to offer,” sabi Czech Republic President Petr Pavel.
Sa isang joint conference sa Prague, sinabi ni Pavel na makakasama nila ang isang delegasyon ng mga negosyante na nagpahayag ng interes na mamuhunan sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas.
“We also have companies that are involved in defense industry, manufacturing, in farming and agriculture, science, technology, energy sector, power sector, many of these businesses do have a particular specific plans for the future cooperation with the Philippines come to part,” ani Výborný.
Nakatakdang makipagpulong si Minister Výborný kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa isang business forum sa Makati City March 21.
Bibisitahin din ng grupo ang Tagum Agricultural Development Company (Tadeco) sa Davao sa susunod na araw.