Inanunsyo ng tech giant na Microsoft noong Martes, Marso 12 isasalang sa training ang 100,000 na Pinay sa paggamit ng artificial intelligence technology at cybersecurity.
“We are very excited about the potential for the Philippines to drive economic advancement using enhanced AI technology in a positive way,” pahayag ni Mary Snapp ng Microsoft sa isang news conference.
Gagamit ng online platform ang mga tuturuan upang matuto sa AI tools ng Microsoft, kasama na dito ang language models ng OpenAI, para maging maalam sila sa cybersecurity threats at panibagong workplace skills.
Makikipagkoordinasyon ang Microsoft sa mga government agencies at pampublikong paaralan para sa training ng mga kawani ng gobyerno.
Sinabi pa ng Microsoft na mag lalaunch din sila ng AI-powered reading progress tool para sa 27 milyongPilipinong estudyante sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd).
Ulat ni Erika May Lagat/Intern