Muling accessible sa publiko ang official Facebook page ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos ang ilang araw nang ito ay ma-hack ng hindi pa mabatid na grupo.
“At around 9AM today, 02 April 2024, the Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) recovered full access to the Philippine Coast Guard (PCG)’s official Facebook page,” ayon sa kalatas ng Philippine Coast Guard.
Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Rear Admiral Armand Balilo na humingi na ng tulong ang kanilang tanggapan sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Meta upang magsagawa ng backend operations at matukoy ang mga nasa likod ng security breach.
Bukod dito, nakikipagtulugan na rin ang PCG Public Affairs Service sa mga IT experts ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagsasagawa ng hardware check at mapalakas ang kanilang cybersecurity measures.