Umabot sa 16 ang bilang ng mga Indian national na naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration dahil sa pagtrabaho sa bansa ng walang kaukulang permit mula sa kawanihan.
“Our investigation found that all of them were engaged in lending activities without the proper work permits while some of them are suspected of being illegal entrants for failure to present travel documents,” ayon kay Bureau of Immigration Intelligence chief Jude Hinolan.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na natunton nila ang kinaroroonan ng 16 na Indian sa Iloilo at Antique matapos magreklamo ang mga residente ng labis na paniningil ng interes ng mga ito sa kanilang 5-6 lending racket.
Sampu sa mga Indian ay naaresto sa mga bayan ng Arevalo at Savana, Iloilo habang ang iba ay natunton sa San Jose, Antique.