Inihayag ni Sen. Raffy Tulfo na magiisyu ng subpoena ang Mataas na Kapulungan kay former Police Maj. Allan de Castro at driver nitong si Jeffrey Magpantay, na kapwa sangkot bilang principal suspects sa misteryosong pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.
Sa isinagawang pagdinig ng a isangawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, at Committee on Justice on Human Rights ngayong Martes, Pebrero 27, hinggil sa mysterious disappearance ni Catherine Camilon noong Oktubre 2023, agad na sinegundahan ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang hakbang ni Sen. Raffy Tulfo sa paglalabas ng subpoena para kina de Castro at Magpantay.
Ayon sa dalawang mambabatas, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang dalawang suspek na ibigay ang kanilang panig sa gitna ng mga akusasyon na sila ay nasa likod ng pagkawala ni Camilon, na diumano’y naging karelasyon ng sinibak na police major.
Kumpiyansa naman ang pamunuan ng Police Regional Office 4 na madali nilang matutunton ang kinaroroonan ni de Castro dahil nakakausap pa nila ito hanggang nitong Lunes, Pebreo 26, ng gabi.
Inatasan din ni dela Rosa, na dating nagsilbi bilang hepe ng Pambansang Pulisya, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na tumulong sa pagsisilbi ng subpoena kina de Castro at Magpantay.