Inanunsiyo ng tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros na natanggap ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder Apollo Quiboloy ang subpoena na inisyu ng Senado upang obligahin ito na dumalo sa pagdinig sa Marso 5.
Natanggap ni Atty. Marie Tolentino Fuentes, legal counsel ng KJC, ang subpoena para kay Quiboloy na iniabot ng Office of the Senate Sergeat at Arm dakong 1:30 ng hapon nitong Huwebes, Pebrero 22.
Una nang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na kapag bigo pa rin dumalo si Quiboloy sa pagdinig sa Senado sa Marso 5, ipapaaresto na ito dahil sa pagbalewala sa subpoena.
Samatala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na wala itong natatanggap na impormasyon hinggil sa banta sa buhay ni Quiboloy na nahaharap sa patung-patong na kaso ng pananakit, panghahalay, pangmomolestiya ng kabataan na miyembro ng KJC.
“But if Pastor Quiboloy has a basis for what he’s saying, we are ready to provide appropriate security upon his request. But this extends to everyone, whether government officials or ordinary citizens,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.