Limang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang namatay habang isang pulis ang sugatan sa bakbakan na naganap sa Bilar, Bohol, ngayong Biyernes, Pebrero 23, ng umaga.
Kinilala sa ulat ng Philippine Army sa mga napaslang na komunista na sina Domingo Compoc, alyas “Eloy,” secretary ng Bohol Party Committee-Defunce Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor.
Si Compoc ay may patong sa ulo na P2.6 milyon dahil sa mga kasong rebelyon, homicide, attempted homicide, multiple murder, frustrated murder at robbery.
Nagpapatrulya ang mga element ng 47th Infantry Battalion at 21st Special Forces Company kasama ang ilang tauhan ng Provincial Mobile Force Company na makasagupa nila ang natitirang puwersa ni Ka Eloy.
Naganap ang engkuwentro sa Sitio Matin-ao 2, Barangay Campagao, Bilar dakong ala-6:25 ng umaga, ayon pa sa ulat.
“As of now, the encounter is on-going. We also have one wounded PNP personnel. This is a joint operation by the Army and PNP,” sabi Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala.