Isang senior citizen na nagsabi nag-eenjoy siya paglalaba matapos bumatak ng shabu ang nahuli sa isang buy-bust sa Sitio Proper, Barangay Kinasang-an, Cebu City, noong Linggo, Pebrero 18.

Kinilala ang suspek na si Socrates Ambos, alyas “Socring,” 62-anyos, dating empleyado ng Cebu City Department of Public Services.

Narekober ng raiding team mula sa Drug Enforcement Unit ng Inayawan Police Station ang 5.24 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P36,632 mula diumano kay Ambos.

Sinabi ni Ambos sa panayam ng SunStar Cebu na dahil sa kawalan ng trabaho, nagbenta siya ng ilegal na droga.

Nagpatuloy siya sa pagsasabing gumamit siya ng illegal na droga.

“Basta makasuyop ko, kondisyon kayo. Ako tripping kun makasuyop manglaba ko (Pag nakagamit ako, nakokondisyon ako, ang trip ko pagnakagamit ay maglaba),” ayon sa suspek.

Ulat ni Princess Mae Dumagat