Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ang isang “revolutionary tax collector,” ang sumuko nitong Miyerkules, Pebrero 21, sa mga awtoridad sa Quezon at Batangas.
Iniulat ng 85th Infantry Battalion sa Quezon ang pagsuko ng isang alyas na “Kenjie” kay Agdangan Mayor Rhadam Aguilar nitong Miyerkules ng umaga sa kanyang kapasidad bilang chairman ng Municipal Task Force to End Local Armed Conflict (MTF-ELCAC).
Ayon sa ulat, ang rebel returnee ay dating finance officer ng NPA Apolonio Mendoza Command na kumokolekta ng “revolutionary tax” mula sa mga contractor, negosyante at residente sa rehiyon
Sa lalawigan ng Batangas, iniulat ng pulisya ang pagsuko ng dalawang rebeldeng NPA, sina “Cinto” at “Paula” sa magkahiwalay na okasyon sa Batangas City at munisipalidad ng Nasugbu.
Ayon sa ulat, nai-turn over din ni Cinto ang isang caliber.38 revolver at isang rifle grenade. Parehong dating communist guerrillas ang dating kumikilos sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.