Nagsimula na ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Japan police attache, iba pang law enforcement agencies at mga emergency responders upang matukoy ang nasa likod panibagong serye ng bomb threat sa iba’t ibang government agencies sa Pilipinas.
“It is important to note that the name Takahiro Karasawa has been associated with previous bomb threats across different countries. On September 23, 2023, the same individual issued a bomb threat targeting the MRT-3 system. This alarming pattern emphasizes the need for immediate and decisive action,” ayon sa National Bureau of Investigation.
Partikular na tinututukan ng NBI ang isang nagpakilalang ‘Takahiro Karasawa’ na umano’y nagpadala ng email sa may anim na tanggapan ng gobyerno sa Pilipinas na nagsabing may bombing sasabog sa kanilang gusali nitong Lunes, Pebrero 12.
Ngunit nang suyurin ng mga bomb squad ang mga naturang tanggapan ay walang nakitang bomb sa mga naturang lugar.
“We urge the public to remain vigilant and report any suspicious activities or information related to this case to the authorities,” pahayag ni NBI director Menardo de Lemos.