Ipina-deport ng gobyerno mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong Huwebes, Pebrero 22, ang 43 Chinese national at 1 Vietnamese national na sangkot sa illegal operation ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) hub sa Pasay City.
“May mga violations silang ginawa dito. And others are violating ‘yung immigration laws natin. Yung iba kasi wala na talagang passports eh. And so nakipag-coordinate pa kami sa mga kanya-kanyang embassies for them to provide ‘yung travel authority,” ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) chief Undersecretary Gilbert Cruz.
Ito ang ikalimang batch ng mga dayuhan na naipinatapon pabalik ng kanilang bansa matapos silang arestuhin ng PAOCC, Department of Justice (DOJ), at Philippine National Police (PNP) noong Oktubre 2023.
Sinabi pa ni Cruz na gumastos ang gobyerno ng mahigit P35 milyon para sa pangangalaga, detensiyon, at air fare ng mga ipina-deport na foreigners.