(Photo courtesy by Teresita Micabalo FB)
Turon, hotcake, lumpia. Ilan lang ang mga ito sa mga simpleng paninda ni Teresita Micabalo para matugunan niya ang pangangailangan ng kanyang anak na si Tricia Gen Edrada na nagaaral sa isang pribadong paaralan. Ang pangunahing inspirasyon ni Nanay Teresita: Consistent honor student ang kanyang anak.
Hindi naging hadlang ang pagiging mahirap at single mom para maitaguyod ni Nanay Teresita ang edukasyon ni Tricia.
Sa eksklusibong panayam ng Pilipinas Today, proud na ibinahagi ni Nanay Teresita ang kanilang istorya.
Kuwento ni Nanay Teresita, honor student na raw talaga ang kanyang anak mula grade school hanggang sa mag-senior high school ito. Mag-isa lamang niyang itinaguyod ang kanyang anak mula nang siya ay iwan ng kanyang dating kinakasama.
“Ang akong partner, dili man mi ato kasal live-in partner lang mi. Human, niadto siya og Japan didto niya na-meet ang iyahang other woman. Pagkaabot niya didto wa’ na siya niuli namo,” kuwento ni Nanay Teresita.
Magmula raw noon, kasama na niya ang kanyang anak tuwing siya ay magdu-duty noong bilang security guard. Napilitan umano siyang tumigil na lamang sa pagtatrabaho dahil minamaltrato umano ng kanilang kasambahay ang kanyang anak.
Kahit na hirap, patuloy lang ang paggawa ni Nanay Teresita upang mabigyan ng mahusay na edukasyon ang kanyang anak.
Samantala, mensahe ni nanay sa kapwa solo parent:
“Laban lang! Kung ano man yang mga pagsubok na dumating sa buhay natin… Bilang street vendor may mga taong mababa ang tingin sa iyo at ang sabi eh, bat pa ako nagpapaaral sa private school, eh, wala naman daw ako trabahong Maganda… Laban lang, kung man yang mga pagsubok na ‘yan. Kung ano man ‘yang mga maririnig [natin] ipasok sa kabilang tenga, ilabas sa kabilang tenga… kasi para sa anak ko lalaban ka hanggang sa huling sa hininga mo.”
May pahabol na mensahe rin si Nanay Teresita sa mga kapitbahay niyang “marites,” na madalas mapagtsismisan ang pagpapa-rebond niya ng buhok tuwing may extra na kita: “Pag-inggit, pikit!”
Congrats, Nanay at Tricia Gen! Keep up the good work!
—Floridel Plano at Sha Soriano