Sa isang maikling pagpupulong kasama ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), nagpahayag ng suporta si Sen. Kiko Pangilinan sa mungkahing pagtatatag ng isang National Commission on Animal Welfare para masusing matutukan ang kalagayan ng mga animal shelters at pounds sa bansa.

“Matagal na nating kasama ang PAWS sa ating adbokasiya sa animal welfare kaya tuloy lang ang ating suporta sa kanila at sa ating mga alagang hayop,” saad ni Pangilinan.

Malugod ding tinanggap ni Sen. Pangilinan sa kanyang tanggapan si ‘Dolly,’ ang 13-anyos na asong Pinoy (aspin) at biktima ng animal cruelty, na bumisita kasama ang mga kinatawan ng PAWS ngayong Biyernes, Pebrero 13.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *