Ibinahagi ng Nobel Prize nitong Huwebes, Hulyo 27, ang orihinal na kopya ng diploma ng German physicist na si Albert Einstein, na natamo nito 123 taon na ang nakalipas.
Nagtapos si Einstein sa kanyang pag-aaral sa Polytechnic Institute sa Zurich, Switzerland noong 1896-1900.
Si Einstein, isang German-born theoretical physicist, ay tumanggap ng 1921 Nobel Prize for Physics “for his services to Theoretical Physics, and especially for his discovery of the law of the photoelectric effect.”
Kinikilala bilang pinakamaimpluwensiyang scientist sa kasaysayan, si Einstein ay pumanaw noong Abril 18, 1955 sa edad na 76