Sinabi ni former senator at boxing legend Manny Pacquiao ngayong Lunes, Pebrero 19, na iginagalang niya ang desisyon ng International Olympic Committee (IOC) na tablahin ang kanyang bid para lumaban sa Paris Games.
“Nevertheless, I will continue to support and cheer for the Filipino athletes who will represent our country in the Olympics,” sabi ni former senator at boxing legend Manny Pacquiao.
“Make us proud. I also promise to bring pride and honor to my country inside the boxing ring in the near future,” ani pa ni Pacquiao.
Gumawa ang Manila ng “special request” sa IOC noong nakaraang taon na humihingi ng pahintulot para sa dating world champion sa maraming weight divisions, na magboxing sa Paris Games 2024 sa kabila ng isang rule setting ng age limit para sa Olympic boxers sa 40.
Lubos na ikinalungkot ng 45-anyos na boxer ang naging desisyon ng OIC subalit iginiit niya na inirerespeto niya ito at handa na siyang mag-move on.