Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara sa pagsusulong ng esports base sa paniniwalang ang Pilipinas ay mamamayagpag sa online gaming sa buong mundo at nagpahayag ng kahandaang tulungan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagpopondo P2 milyon cash prize sa mananalong team, P1 milyon para sa runner-up, at P500,000 para sa third placer.
“The future of Philippine esports is shining bright and it is up to us to ensure that it shines on the world stage… Appropriations Committee has pledged more support throughout these coming years for esports. We believe in the power of youth, innovation, and technology to bring about positive change,” sinabi ni House Speaker Martin Romualdez.
“As the leader of the House of Representatives, I assure you that we are fully committed to supporting the development of esports in the country,” sabi ni Romualdez sa paglulunsad ng Unity League at Mobile Legends: Bang Bang nationwide tournament na ginanap sa Pasay City.
Ito ay matapos ilang ulit namayagpag ang mga Pinoy esports athletes sa international events, kabilang ang pagkakasungkit ng gold medal ng Philippine National Esports Team (Sibol) sa 2023 IESF Mobile Legends: Bang Bang event na ginanap sa Romania noong Agosto ng nakaraang taon.
Naguwi rin ng gold at silver medals ang Team Philippines sa 32nd Southeast Asian Games mula sa Mobile Legends: Bang Bang sa male at female categories na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia noong Mayo 2023.