Tataas ang singil sa tubig ng mahigit 118 barangay sa Davao City na saklaw ng Davao City Water District (DCWD) dahil nakatakdang magpatupad ang kumpanya ng 20 porsiyentong rate increase sa 2024.
Ayon sa Davao City Water District (DCWD), ito na ang ikalawang yugto ng pagtaas ng singil sa tubig. Ang unang bagsak na 30 porsiyento ay ipinatupad noong 2022.
Para sa residential at government connections, ang minimum rate para sa unang 10 cubic meters ay magiging P214.20 mula sa kasalukuyang P178.50.
Sisingilin ang dagdag na P22.50 para sa 11-20 cubic meters; P29 para sa 21-30 cubic meters; P38.50 para sa 31-40 cubic meters; at P56.20 para sa mahigit 40 cubic meters.
“This 20% is actually the second tranche of the 60% that we requested sa 2021, which consequently was approved but considering the situation then coming from a pandemic we strategize the 60 percent into tranches,” sabi ni DCWD spokesperson Jovanna Duhaylungsod.