Aaabot sa 4800 family good packs ang inihatid ng dalawang United States Marine Corps – Hercules Cargo Planes sa mga biktima ng landslide sa Maco, Davao de Oro nitong Lunes, Pebrero 12.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang mga food packs ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Naihatid ang mga tulong sa pamamagitan ng dalawang sorties at ipapamahagi sa mga biktima ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao at Caraga regions.
Plano ng AFP na magsagawa ng 12 sorties para sa dalawang US Marine Corps aircraft para maihatid sa Davao at Caraga ang 15,000 family food packs ngayong Miyerkules.
Ayon kay Trinidad, ang hakbang ay ginawa bilang pagtupad sa pangako ng dalawang bansa na magtutulungan sa humanitarian assistance at disaster relief na siyang napagkasunduan sa katatapos lamang na US- Philippine Maritime cooperative Activity sa West Philippine Sea o WPS.
Ulat ni Baronesa Reyes