Umakyat na sa 68 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.
Sa update na inilabas ng Maco Government ala-7:00 ng umaga ngayong Lunes, Enero 12, nasa 32 pa rin ang bilang ng mga nasugatan at 63 biktima ang pinaghahanap pa rin ng search and rescue teams.
Matatandaan na naganap ang landslide noong Pebrero 6, kung saan natabunan ang isang barangay hall, terminal ng isang bus company at mga bahay na nakatayo sa apat na barangay ng Maco.
Sa tala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 1,388,691 indibidwal o 415,496 pamilya ang naapektuhan ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga at Bangsamoro.
Sa nasabing bilang ng naapektuhan, 40,050 tao o 10,173 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 159 evacuation centers habang ang 281,382 indibidwal o 95,021 pamilya ang nasa labas at nasa ibang lugar.
Umabot naman sa P738,619,756 ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at P212,544,830 ang pinsala sa agrikultura. Sa parehong ulat, nasa 1,345 bahay ang napinsala kung saan 787 ang partially damaged at 558 ang totally damaged.
Ulat ni Baronesa Reyes