“Dati na nilang ginawa ‘yan, ‘yung paninira sa akin… and then inuulit na naman nila, so not again. Hindi ko na po papayagan sila na sirain na naman o pagsisiraan ang aking pagkatao,” saad ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila De Lima.

Tumungo sina Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila de Lima at Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Lunes, Marso 8 para magsampa ng reklamong cyber libel laban kina Atty. Levito Baligod at 18 indibidwal na nagpakilala umanong mga dating miyembro ng Philippine Marine Corps.

Kaugnay ito sa alegasyon ng 18 indibiduwal na diumano’y nakatanggap si De Lima, Villanueva, at iba pang mga personalidad ng male-maleta na naglalaman ng pera mula sa anila’y kickbacks mula sa mga maanomalyang flood control projects.

Pareho namang itinanggi nila De Lima at Villanueva ang mga akusasyon at iginiit na hindi umano consistent ang mga paratang laban sa kanila. (via Jilliane Libunao)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *