Dulot ng Low-Pressure Area (LPA) na kasalukuyang nakaaapekto sa Northern at Southern Mindanao, ilang local government units (LGUs) sa lalawigan ng Davao Oriental ang nag-suspinde ng klase at trabaho sa government at private offices.
CAPTION: Ang mga LGU ay naaglabas ng kanilang mga Executive Orders (EO) mula Enero 29 at 30, 2024, kabilang ang Lungsod ng Mati; at mga munisipalidad ng Baganga, Governor Generoso, Cateel, Manay, Caraga, San Isidro, Boston, Tarragona, Banaybanay, at Lupon.
Ito ay alinsunod sa Section 2 ng Presidential Executive Order No. 66, series of 2012, na nagsasaad na “In the absence of typhoon signals from Pagasa, localized cancellation or suspension of classes and work in government offices may be implemented by local chief executives.”
Batay sa Pag-asa, ang Davao Oriental ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw dahil sa surge ng Northeast Monsoon (Amihan) at trough of LPA.
Ulat ni Princess Mae Dumagat