Dumating sa Pilipinas ang Thai beauty queen na si Antonia Porsild sa unang pagkakataon, at puro magagandang bagay ang narinig niya tungkol sa mga tao, sa mga sikat na beach, at siyempre, sa pagkain.

“I can’t stop hearing about adobo. I’ve been hearing it a lot so I hope I would be able to try it,” sabi ni Miss Universe 2023 first runner-up Anntonia Porsild.

“Most people know that I am a beach gal so I definitely have to come back and visit the beaches,” ani pa ni Anntonia.

“It’s gonna be very exciting and that you guys will definitely love what comes out of this trip,” dagdag pa ni Anntonia.

Nagkaroon ng magandang pagkakaibigan sina Antonia at ang beauty queen na si Michelle Dee matapos mag-compete sa Miss Universe pageant noong nakaraang taon. Tinatawag sila ng PorDee tandem ng fans para sa kanilang chemistry.