Ayon kay Ogie Diaz sa kanyang vlog na “Showbiz Update” na inilabas kasama si Mama Loi at Tita Jegs nitong Enero 25, mayroong source sila na magpapatunay na mayroong 16 branches ang high-end store ni Daniel.

”Si Daniel Padilla pala ay shareholder ng ilang branches ng (pangalan ng store) shopping store and online. Meron siyang labing-anim na branches, ‘yung ilan doon ay kasosyo si Daniel,” kuwento ni Ogie Diaz.

Tinanong din ni Mama Loi kung may sariling pag-aari si Daniel. “Ay meron siyang solo, ito’ yung branch ay nasa UP Town (Center-Quezon City) at Loi across the board as in lahat ng stores ay up to 70% ang discount na ibinibigay (nagulat si mama Loi) kasama diyan ‘yung pag-aaring store ni Daniel,” sagot ni Ogie.

Nabanggit na may shares din sina Zanjoe Marudo at Joshua Garcia sa iba’t ibang branch.

Ulat ni April Steven Nueva España