Nagdagdag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 21 gamot para sa health conditions tulad ng diabetes at hypertension sa listahan ng mga exempt sa value-added tax (VAT).
“Ang agarang pagpapabisa ng mga update na ito ay patunay ng ating dedikasyon na makapagbigay ng Excellent Taxpayers Service para makatulong sa mga Pilipino na lumalaban sa mga sakit na ito,” mababasa sa Facebook post ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., na dalawang gamot sa cancer, lima sa diabetes, dalawa sa high cholesterol, lima sa hypertension, apat sa kidney disease, isa sa mental illness, at dalawa sa tuberculosis ay exempted na sa 12 porsiyentong VAT.
“Ito ang handog ng BIR sa Bagong Pilipinas, serbisyong mabilis at maasahan. Ito pong 21 na gamot na tinanggalan ng VAT ay simula pa lamang ng mga serbisyong aming ibibigay ngayong 2024,” sabi pa ni Lumagui.