Bumaba ang kaso ng dengue na naiulat sa buong Pilipinas sa unang 15 araw ng Enero ng kasalukuyang taon sa gitna ng pagkakaroon ng isang “strong” El Niño, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes, Enero 25.
Naobserbahan ng DOH, ang pagbaba na aabot sa 16 porsiyento ng mga kaso ng dengue sa buong bansa mula Disyembre 3 hanggang 16 na may (8,629 kaso), at Disyembre 17 hanggang 31, 2023 na aabot sa (7,274 kaso).
Bumaba naman sa 5,572 kaso, ang naitala mula Enero 1 hanggang 13, 2024.
Binanggit ng DOH na ang mga numerong ito ay maaari pa ring magbago dahil sa late consultations at mga report.
“Usually, dengue cases increase during the rainy season. However, with El Niño, families and establishments are expected to store water. Water containers must always be covered and regularly cleaned to prevent mosquitoes from laying their eggs,” pahayag ng DOH.