Naglakas loob ang isang 13-anyos na si Lucas mula sa Belgian, para sumalang sa experimental drug test at siya ang kauna-unahang naka -fully recover sa diffude intrinsic pontine glioma, isang rare type ng brain cancer.
Iniulat ng ScienceAlert, na na-diagnose si Lucas noong anim na taong gulang pa lamang siya at nakitaan na may brainstem glioma o diffuse intrinsic pontine glioma (DIPG).
Sinabi ni Doctor Jacques Grill na malakas ang response ni Lucas sa cancer drug Everolimus, na itinalaga sa kanya ng medical professionals sa pamamagitan ng random processo.
“Over a series of MRI scans, I watched as the tumor completely disappeared,”sabi ni Grill. Gayunpaman, hindi niya itinigil ang regimen hanggang sa isang taon at kalahati nang ihayag ni Lucas na hindi na siya umiinom ng mga gamot.
“I don’t know of any other case like him in the world,” ani ni Grill. Pitong iba pang mga bata ang sumubok ng BIOMEDE trial years pagkatapos ng kanilang mga diagnosis, ngunit si Lucas lang ang nawalan ng brain cancer.
“Lucas’ case offers real hope. We will try to reproduce in vitro the differences that we have identified in his cells,” sabi ni Marie-Anne Debily, isa sa mga mananaliksik na nag-aaral ng unique case.
Kung gumagana ang mga sample sa tumor, “next step will be to find a drug that has the same effect on tumor cells as these cellular changes,”sabi ni Debily.