Nahaharap sa reklamo ang isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng kanyang kasambahay kanya umanong sinaktan at binuhusan ng mainit na tubig kamakailan sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si MSgt. Judith Baricaua, 40, ng Pastolero St., Barangay Camp Aguinaldo, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni Police Corporal Jordan A. Barbado, nangyari ang pananakit ng sundalo sa kasambahay na si Jemalyn Laquigan, 20, noong Enero 15, bandang alas-12 ng tanghali.
Nabatid na stay-in helper si Laquigan simula Mayo 2022.
Ayon sa pahayag ng biktima, simula ng kanyang pagpasok kina Barbado, nakakaranas na siya ng pananakit at pang-aabuso.
Nabatid na Enero 15 nang buhusan ng sundalo ng kumukulong tubig ang paa ng kasambahay subalit nitong Lunes, Enero 22, lang nakakuha ng pagkakataon ang biktima na humingi ng tulong sa kanyang tiyuhin na siyang nagsumbong sa mga awtoridad.
Nahaharap ito sa kasong physical Injuries at maltreatment ang sundalo, ayon sa pulisya.
Ulat ni Henry Santos