Inaresto ng pulisya ang limang empleyado ng isang travel agency sa Maginhawa Street, Quezon City matapos ireklamo ng ilang biktima ng kanilang booking scam nitong Huwebes, Enero 18.
Hindi bababa sa 20 indibidwal ang nagreklamo sa Anonas Police Station dahil sa fake booking scam ng isang travel agency, dahilan upang magkasa ng operasyon laban sa sindikato.
Kabilang sa mga biktima ang magkamag-anak na sina Marissa Gil at Nina Benedicto na nagsabing noong pang Enero 2023 sila nagpa-book para sa tour sa Boracay ngunit wala pa ring maipakitang itinerary ang travel agency.
Ayon sa reklamo, nagbayad sila ng halos P200,000 para sa round-trip-ticket at hotel billeting subalit walang nagawa ang bogus na travel agency kaya napilitang silang mag-book sa ibang ahensya na nagkakahalaga ng halos P300,000 para matuloy lang ang kanilang bakasyon.
Ulat ni April Steven Nueva España