Ayon kay Tony Leachon, habang binalaan ang tungkol sa “vapedemic” sa Pilipinas, ang kawalan ng regulasyon at maling paniniwala na mas mabuti kalusugan ang vape kumpara sa regular na sigarlyo.
“Kasi akala mo kasi na hindi siya harmful. Kasi pinosition siya na parang step-down therapy sa paninigarilyo o harm reduction,” sabi ni sabi ni Dr. Tony Leachon, former adviser ng Department of Health (DOH).
“Nahalina ang mga tao kasi akala nila mas safe,” dagdag ni Leachon.
Base sa pag-aaral sa isang unibersidad sa Kentucky, sinabi ni Leachon na ang paggamit ng e-cigarette ay mas mapanganib sa kondisyon ng puso ng isang tao.
Nanawagan ang Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) sa Pilipinas na ipagbawal ang mga vape dahil “they are harmful and are prolonging the tobacco pandemic.”