Umaasa ang mga opisyal ng National Shrine of St. Joseph sa Mandaue City na aaprubahan ng Vatican ang pagdedeklara ng kanilang simbahan bilang isang minor basilica bago ang 2025 jubilee celebration.
Inihayag ni Rev. Auxiliary Bishop Midyphil “Dodong” Billones, ang team moderator ng simbahan, sumusunod sila sa mga kinakailangan para maging minor basilica at target nilang maisumite ang documentary report ngayong Hulyo.
Idinagdag niya na ang pagpapaganda ng interior at baptistry ng simbahan ay nagpapatuloy.
Si Rev. Father Genaro Diwa, pinuno ng Liturgical Commission ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), ay bumisita na sa dambana at gumawa ng ilang rekomendasyon.
Ang isang minor basilica ay isang mahalagang gusali ng simbahan na itinalaga ng Santo Papa dahil nagtataglay ito ng espesyal kahalagahan sa aspetong espirituwal, historical, at maging sa architecture.
Ulat ni Henry Santos