Ngayon Enero nasa 43 na inahing baboy at biik ang tuluyang isinailalim na sa depopulasyon dahil sa African Swine Fever.
Itong nabanggit na bilang ay may posibilidad pa na tumaas pa dahil sa may hinihintay pa na resulta mula sa blood sampling na nakolekta noong nakaraang linggo.
Base kay Sultan Kudarat Provincial Veterinarian Dr. Edwin Nacito, posibleng noong nakaraang kapaskuhan at Bagong Taon ito nagsimula dahil kaliwa’t kanan ang pagkatay ng baboy at pagbili ng lechon belly at ibang pork frozen products.
Dahil diyan, umabot na sa Limang barangay ang apektado ng ASF, naguna dito ang Barangay Barurao Uno, Taguisa Pasandalan, Poblacion Uno at ilang bahagi sa Barangay Kinudalan.
Kasunod nito, iginiit ni Veterinarian lll Dra. Marjorie Amoyen, noong nakaraang Buwan ng Disyembre bumaba ang bilang ng mga kumuha ng permits para kunan ng blood sampling.
Batay sa datos, umabot na sa 367 ang total na bilang ng mga namatay na baboy kabilang na dito ang na-depopulation habang 83 hog raiser beneficiaries ang binayaran ng lokal ng pamahalaan ng Lebak na abot na sa P 1,063,000.
Sinabi naman ni Municipal Agriculturist Rene Sanchez, hinihintay na lamang ang pagbaba ng executive order mula sa alkalde para sa deployment ng ASF Task Force.
Ulat ni Henry Santos