Sugatan ang mag-ama matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagpapahinga sa labas ng kanilang bahay sa Marilog District, Davao City, nitong Martes, Enero 23, ng hapon.

Ginagamot ngayon sa Isaac Robillo Hospital ang mga biktimang sina Gil Perales , 32-anyos at anak na si Lady Aisha Paican, 14-anyos.

Batay sa ulat ng Marilog Police Station, naganap ang insidente dakong 4:40 ng hapon sa Sitio Lumundao, Barangay Marilog, Marilog District, Davao City.

Nakaupo ang mag-ama sa labas ng kanilang bahay nang pagbabarilin sila ng suspek na lulan ng itim na sasakyan.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek habang isinugod sa pagamutan ang mga biktima.

Ulat ni Baronesa Reyes